*Dr. Rodolfo John Ortiz Teope, PhD, EdD, DM
Bilang isang knowledge hungry at patuloy na mag-aaral ng history, governance, public administration, at political institutions, matagal ko nang napapansin na ang pinakamalalaking laban sa pulitika ay bihirang tungkol lamang sa mga personalidad. More often than not, the real battle is about direction. Ito ay tungkol sa kung sino ang may kontrol sa institusyon, sino ang humuhubog ng narrative, sino ang nagtatakda ng proseso, at higit sa lahat, sino ang nagdedesisyon kung saan patutungo ang bansa.
Kaya naman ang mga pangyayari sa Senado nitong mga nakaraang buwan ay hindi dapat tingnan bilang simpleng pagpapalit lamang ng liderato. Para sa ilan, isa lamang itong normal na political realignment. Ngunit para sa iba, ito ay isang mas malalim na institutional struggle. Sa kanilang pananaw, hindi lamang napalitan ang lider. Ang nangyari ay tila isang hijacking ng Senate Cruise Ship.
Imagine the Senate as a massive cruise ship navigating the turbulent waters of Philippine politics. Ang barkong ito ay hindi ordinaryong sasakyang-dagat. Ito ay isang constitutional vessel tasked with carrying the legislative agenda of the Republic. Dito pinagdedesisyunan ang mga batas, budget priorities, oversight functions, investigations, confirmations, at iba pang mahahalagang usapin na direktang nakaaapekto sa kinabukasan ng bansa.
Sa political allegory na ito, ang Senate President ang Captain ng barko. Siya ang nasa bridge. Siya ang may hawak ng helm. Siya ang pangunahing responsable sa pagmamaniobra ng barko sa gitna ng political storms, institutional conflicts, at national crises. Ang natitirang dalawampu’t tatlong senador naman ay nagsisilbing senior officers ng barko. Hindi man sila ang may hawak ng timon, sila ang tumutulong sa navigation, operations, discipline, at overall management ng paglalayag.
Ngunit mahalagang maunawaan na ang mga senador ay hindi ang mga pasahero ng barko.
The true passengers are the Filipino people.
Sila ang naaapektuhan ng bawat batas na ipinapasa, bawat budget measure na inaaprubahan, bawat oversight proceeding, bawat imbestigasyon, bawat confirmation hearing, at bawat major policy decision na ginagawa ng Senado. Ang legislative agenda ng Senado ang mismong voyage ng barko, at ang sambayanang Pilipino ang mga pasaherong umaasa na ang paglalayag na ito ay magdadala sa kanila sa mas maunlad, mas ligtas, at mas maayos na kinabukasan.
Sa loob ng maraming taon, si Tito Sotto ang nagsilbing Captain ng Senate Cruise Ship. Whether one agreed with his politics or not, nobody can deny his institutional experience and parliamentary knowledge. Hindi siya ang may-ari ng barko at hindi rin siya ang pumili ng destinasyon. Ang kanyang tungkulin ay tiyaking maayos ang paglalayag habang pinananatiling nagkakaisa ang mga officers na nasa ilalim ng kanyang pamumuno.
Perhaps the most revealing explanation behind his removal came from Senator Ping Lacson. Ayon kay Lacson, isa sa naging problema ni Sotto ay hindi siya marunong “mag-alaga” ng kapwa senador. In Philippine politics, that statement carries a deeper meaning than friendship. It refers to coalition management, accommodation, consultation, and the ability to make fellow officers feel that their concerns are being heard. Ayon sa iba’t ibang political interpretations, bahagi ng dissatisfaction ay nagmula sa kanyang perceived reluctance to accommodate certain budget insertions and legislative priorities. Whether justified or not, the perception gradually weakened his support. Sa pulitika, hindi lahat ng lider ay nawawalan ng kapangyarihan dahil sa korapsyon o incompetence. Sometimes they lose power because enough people decide they want a different captain.
At dito nagsimula ang mas malaking kwento.
Sa pananaw ng mga kritiko, ang nangyari ay hindi simpleng pagpapalit ng Captain. Ang nangyari ay ang pagkuha ng kontrol sa bridge ng barko. The objective was not merely to replace Tito Sotto. The objective was to seize control of the helm itself. Hindi lamang tao ang napalitan. Ang mismong direksyon ng paglalayag ang nais baguhin.
Mula sa pananaw ng mga kritiko, ang paglitaw ng bagong majority bloc ay hindi lamang tungkol sa parliamentary arithmetic. It was about controlling committee structures, investigations, oversight proceedings, impeachment processes, and legislative priorities. Sa madaling salita, kung sino ang may kontrol sa bridge ay may malaking impluwensya sa magiging direksyon ng buong barko.
Ang usapin ay lalo pang naging kontrobersyal nang lumitaw ang debate tungkol sa virtual attendance at virtual voting. Traditionally, parliamentary institutions operate on the principle that participation requires physical presence. Nakikita ka. Naririnig ka. At personal kang accountable sa iyong mga aksyon.
At dito lalo pang nagiging interesting ang cruise ship metaphor. Sapagkat sa tunay na buhay, mahirap isipin na ang isang senior officer ng isang cruise ship ay magde-declare ng “Work From Home” habang ang barko ay nasa gitna ng karagatan. Mahirap isipin na ang navigation officer ay nasa bahay habang nagbibigay ng direksyon sa barko sa pamamagitan lamang ng video call. Mahirap isipin na ang chief engineer ay wala sa engine room ngunit nakikilahok sa mahahalagang operational decisions mula sa kanyang sala. Sa maritime tradition, ang mga opisyal ng barko ay inaasahang naroroon kung saan nagaganap ang operasyon, lalo na sa panahon ng krisis, panganib, o mahahalagang desisyon.
Ito ang dahilan kung bakit para sa ilang kritiko, ang usapin ng virtual attendance ay hindi lamang tungkol sa teknolohiya kundi tungkol sa institutional presence. The concern is not whether technology works. The concern is whether leadership can truly be exercised from a distance when the institution itself is confronting critical national issues.
Ngunit marahil ang pinakamabigat na bersyon ng metapora ay ang paniniwala ng ilang kritiko na ang Senate Cruise Ship ay hindi lamang na-hijack.
Para sa kanila, ito ay naging hostage situation.
Sa interpretasyong ito, ang hostage ay hindi isang tao. Ang hostage ay ang legislative voyage mismo. Infrastructure programs become hostages. Economic reforms become hostages. Budget measures become hostages. Legislative priorities become hostages. Oversight functions become hostages. Ang ordinaryong gawain ng pamahalaan ang nagiging bargaining chip sa mas malawak na political struggle.
At kung may hostage situation, may mga biktima.
The victims are not the Captain.
The victims are not the officers.
The victims are the passengers.
At ang mga pasaherong iyon ay walang iba kundi ang sambayanang Pilipino.
Sa huli, ang tunay na isyu ay hindi kung sino ang may kontrol sa bridge ng Senate Cruise Ship. Ang tunay na tanong ay kung ang legislative voyage ba ay patuloy na nagsisilbi sa mga pasahero nito—ang mamamayang Pilipino—o kung ang laban para sa kontrol ng barko ay naging mas mahalaga na kaysa sa mismong destinasyong dapat nitong marating.
For in the end, the Senate Cruise Ship was never built for its Captain.
It was never built for its officers.
It was built for its passengers.
And those passengers are the Filipino people.
#DJOT
_____
*About the author:

