Dr. John’s Wishful is a blog where stories, struggles, and hopes for a better nation come alive. It blends personal reflections with social commentary, turning everyday experiences into insights on democracy, unity, and integrity. More than critique, it is a voice of hope—reminding readers that words can inspire change, truth can challenge power, and dreams can guide Filipinos toward a future of justice and nationhood.

Thursday, March 26, 2026

Ang Impeachment: Hindi Lamang Batas, Kundi Pananagutan ng Konsensya ng Bayan

*Dr. Rodolfo John Ortiz Teope, PhD, EdD, DM


May isang gabi na hindi ako makatulog. Hindi dahil sa ingay… kundi dahil sa katahimikan. Iyong katahimikan na puno ng tanong. Habang nakatingin ako sa ilaw sa labas, I asked myself—kapag ba ang mga lider natin ay humahatol sa impeachment, sino ba talaga ang nagsasalita sa kanilang boto? Sila ba… o tayo?


Madalas nating marinig na impeachment is a political process. Na parang laro lang ito ng power, alliances, at numbers. But the more I observe, the more I realize—hindi ito simpleng political practice. There is something deeper, something more human, something more painful.


Hindi ito tungkol sa pulitika lamang.


Ito ay isang practice of conscience.


Sa United States, senators act like a jury—not as pure legal experts, but as representatives of the people, weighing the issue beyond technicalities. And in our case, ganito rin dapat. Hindi sila nandoon para maging pinakamahusay na abogado. Hindi sila nandoon para magbuhos ng legal jargon. They are there to become the voice of the people.


Boses mo. Boses ko. Boses ng bawat totoong Pilipino nakakasalamuha at hinde Boses of Hype lamang sa Social Media.


Dahil ang bawat senador at kongresista ay hindi lang indibidwal. They are elected representatives. Ibig sabihin, dala nila ang tiwala ng kanilang distrito—the farmers, the workers, the teachers, the ordinary families na umaasa sa kanila.


At dito pumapasok ang isang mas mabigat na tanong—lalo na sa bahagi ng Kongreso kung saan nagsisimula ang proseso ng impeachment, sa Committee on Justice ng House of Representatives.


Dito unang hinuhubog ang kapalaran ng isang kaso.


Dito pinag-uusapan kung may sapat bang batayan. Dito tinitimbang kung dapat bang umusad ang proseso. Maririnig mo ang mga legal arguments, ang mga depinisyon, ang mga technical standards. Everything sounds structured, disciplined, almost clinical.


Pero sa gitna ng lahat ng iyon, may isang tanong na tahimik… pero napakahalaga:


Bago ba sila umupo sa Committee on Justice, kinonsulta ba nila ang kanilang mga taumbayan?


Bago nila talakayin ang impeachment, bago nila timbangin kung ito ba ay dapat umusad—narinig ba nila ang boses ng kanilang distrito?


Dahil kung hindi… kaninong boses ang kanilang pinapakinggan?


At kung sakaling ang impeachment complaint ay pumasa sa Committee on Justice, may isa na namang mas mabigat na yugto—ang pagboto ng buong House of Representatives kung ito ba ay iaakyat sa Senado.


At dito, mas lalong lumalalim ang tanong:


Bago ba bumoto ang mga kongresista, pinulong ba nila ang kanilang mga constituents?


Tinawag ba nila ang kanilang mga nasasakupan?

Nakinig ba sila sa kanilang mga barangay?

Inalam ba nila ang pulso ng kanilang distrito?


O ang boto ay ginawa lamang sa loob ng bulwagan—malayo sa tunay na boses ng bayan?


Because if they did not consult… then what are they representing?


Kung hindi nila tinanong ang kanilang mga tao kung gusto ba nilang ma-impeach ang isang opisyal, then whose will is being carried inside Congress?


Ang salitang “representative” ay hindi simbolo ng kapangyarihan—ito ay simbolo ng pananagutan.


It is not a privilege. It is not a franchise.


It is a responsibility to listen.


Hindi sapat na ikaw ay nahalal. Hindi sapat na ikaw ay nanalo. Ang tunay na sukatan ng pagiging representative ay hindi sa kung gaano ka kagaling magsalita sa Kongreso—kundi sa kung gaano ka kahusay makinig sa iyong pinanggalingan.


Dahil ang totoo, ang kapangyarihan mo ay hindi sa iyo.


Ipinahiram lang iyon.


At kung ito ay ipinahiram, may obligasyon kang bumalik sa may-ari nito—ang taumbayan.


Maybe it’s about time for us to redefine what representation truly means.


Hindi ito pagiging independent decision-maker na hiwalay sa kanyang distrito. Hindi ito pagiging political actor na sumusunod sa partido. It is being a bridge—a living connection between the people and the government.


At sa mga usaping may pambansang bigat—national crisis, national issues, at higit sa lahat, impeachment—lalong hindi dapat mawala ang konsultasyon.


Dahil ang impeachment ay hindi lang proseso ng gobyerno.


It is the voice of the people—expressed through their representatives.


At kung ang mga kinatawan ay hindi nakikinig sa bayan, then democracy becomes hollow.


Sa huli, ang impeachment ay hindi lang pagsusuri sa isang opisyal. Isa itong pagsusuri sa buong sistema—kung ang mga taong iniluklok natin ay tunay bang marunong lumingon sa pinanggalingan nila.


Kung sila ba ay marunong makinig… o marunong lamang magsalita.


Kung dala ba nila ang bayan… o sarili lamang nila.


At sana, sa bawat boto na kanilang ibibigay, maramdaman natin na hindi sila nag-iisa.


Na kasama nila ang kanilang distrito.

Na dala nila ang tinig ng kanilang nasasakupan.

Na ang boto nila ay hindi kanila… kundi atin.


Because in a true democracy, power does not reside in position.


It resides in the people who chose to trust.


At ang tiwalang iyon, kapag pinakinggan, nagiging lakas.

Pero kapag binalewala, unti-unting nagiging pagkawasak ng sistema.


At sa dulo ng lahat, ang impeachment ay hindi laban ng batas o pulitika…


Ito ay laban ng konsensya.


At sana, sa laban na ito, piliin natin ang tama—hindi dahil ito ang madali, kundi dahil ito ang hinihingi ng bayan.


#DJOT

_________________

*About the author:

Dr. Rodolfo “John” Ortiz Teope is a distinguished Filipino academicpublic intellectual, and advocate for civic education and public safety, whose work spans local academies and international security circles. With a career rooted in teaching, research, policy, and public engagement, he bridges theory and practice by making meaningful contributions to academic discourse, civic education, and public policy. Dr. Teope is widely respected for his critical scholarship in education, managementeconomicsdoctrine development, and public safety; his grassroots involvement in government and non-government organizations; his influential media presence promoting democratic values and civic consciousness; and his ethical leadership grounded in Filipino nationalism and public service. As a true public intellectual, he exemplifies how research, advocacy, governance, and education can work together in pursuit of the nation’s moral and civic mission.


Dr. Rodolfo John Ortiz Teope

Dr. Rodolfo John Ortiz Teope

Blog Archive

Search This Blog