*Dr. Rodolfo John Ortiz Teope, PhD, EdD, DM
Minsan, habang nakaupo ako sa isang simpleng karinderya sa isang kanto ng Barangay Sto Nino, San Mateo, Rizal, pinagmamasdan ko ang isang pulis na may rango na Patrolman na tahimik na kumakain ng pinakamurang budget meal na may dalawang ulam, isang kanin at ice tea sa halagang 67 Pesos, halatang pagod, tila ba dala-dala niya ang bigat ng buong maghapon—o baka ng buong sistema—sa kanyang mga balikat. Walang kamera, walang palakpak, walang parangal. Just a man in uniform, silently doing his duty, unnoticed by the very nation he protects. Doon ko naisip, gaano karami sa kanila ang ganito araw-araw—mga pulis, bombero, jail officers, rescuers—na patuloy na lumalaban para sa atin, pero sa usapin ng paggawa ng batas, tila wala silang mukha, wala silang pangalan, at higit sa lahat, wala silang boses.
Marami nang party-list organization ang nagkaroon ng representasyon sa Kongreso. May mga left-leaning groups na nakakuha pa ng tatlong puwesto noon, may mga religious sectors na umangat dahil sa solidong suporta ng kanilang mga miyembro, at mayroon ding mga party-list na sa papel ay kumakatawan sa sektor, ngunit sa likod ng kurtina ay hawak ng mga political dynasty, mayayamang kontratista, at mga taong ginawang negosyo ang sistemang dapat sana ay para sa mahihina. The system, which was meant to empower the marginalized, has in some cases been captured by those already powerful. At sa gitna ng lahat ng ito, isang sektor ang tahimik na naiwan—ang sektor ng peace and order, law enforcement, public safety, fire protection, at jail management—mga taong hindi lamang nagtatrabaho, kundi nagsasakripisyo, minsan pati buhay, para sa katahimikan ng ating bayan.
Naalala ko rin ang sandaling nagkaroon ng pag-asa ang ilan sa kanila, noong may party-list na inakalang magiging tunay nilang tinig. Nandoon si General William Macavinta bilang second nominee ng PATROL partylist na nakakuha ng 1 seat ngunit ang first nominee ay isang businessman, at sa puso ng maraming unipormado na nagbigay ng full support with the lakan power , may maliit na liwanag na sumiklab—baka ito na, baka sa wakas may makakaintindi, may makakapagsalita para sa kanila. Ngunit ang liwanag na iyon ay unti-unting namatay. The representation they hoped for never fully materialized into meaningful reforms. At muli, bumalik sila sa dati—sa katahimikan, sa sakripisyo, sa pagganap ng tungkulin nang walang inaasahang kapalit kundi ang simpleng pag-asa na balang araw, may makikinig din sa kanila.
Sa kasalukuyan, kung titingnan natin ang mga batas na naipapasa, tila kulang na kulang ang tunay na pagtutok sa sektor na ito. Wala tayong nakikitang matibay na legislative direction to strengthen institutional integrity, to uplift the morale of uniformed personnel, to modernize fire and jail systems, at higit sa lahat, to shield them from corruption that slowly erodes their dignity. Samantalang sila ang unang rumeresponde sa sunog, sa krimen, sa sakuna—sila rin ang huling naiisip kapag usapin na ng polisiya at representasyon. It is a painful contradiction—those who protect the nation remain unprotected in the halls of power.
Hindi maaaring umupo ang mga aktibong unipormado sa ganitong tungkulin, at tama lamang iyon upang mapanatili ang neutrality ng serbisyo. Ngunit ang mga retiradong opisyal—ang mga naglaan ng kanilang buhay sa serbisyo—sila ang may kakayahan, may kredibilidad, at may puso upang maging tunay na kinatawan ng sektor. They have seen the system from within, they have carried its burdens, and they understand its wounds. Hindi sila nagsasalita mula sa teorya, kundi mula sa karanasan—mula sa gabi ng operasyon, sa init ng sunog, sa lungkot ng kulungan, at sa tahimik na panalangin bago harapin ang panganib.
Siguro, panahon na upang itama ang matagal nang pagkukulang na ito. Panahon na upang magkaroon ng isang party-list na hindi lamang pangalan, kundi tunay na representasyon ng sektor ng peace and order at public safety. Isang boses na hindi matatakot magsabi ng katotohanan, isang boses na hindi mabibili, at isang boses na hindi mawawala sa tuwing matatapos ang eleksyon. A voice that will stand, legislate, and fight—not for power, but for those who have long been powerless in representation.
Sapagkat kung tutuusin, ang kaunlaran ng isang bansa ay hindi lamang nasusukat sa dami ng tulay, kalsada, o gusali. It is measured in the safety of its streets, the trust in its institutions, and the dignity of those who enforce the law. Walang pamilyang tunay na mapapanatag kung ang mga tagapangalaga nila ay kulang sa suporta. Walang negosyong uunlad kung ang kapayapaan ay marupok. At walang kinabukasang matibay kung ang mga bantay ng bayan ay walang tinig sa paggawa ng batas.
Masakit isipin na may boses ang marami—ang kababaihan, manggagawa, transport sector, at iba pa—at nararapat lamang iyon. Ngunit ang sektor ng mga nagtatanggol sa ating buhay at ari-arian, ang mga unang dumarating sa gitna ng sunog, baha, krimen, at trahedya, ay nananatiling tahimik sa loob ng Kongreso. And silence, in this case, is not neutrality—it is neglect.
Kaya marahil, ito na ang panahon. Panahon na upang makita sila hindi lamang bilang tagapagpatupad ng batas, kundi bilang sektor na may karapatang ipaglaban sa loob ng batas. Panahon na upang bigyan sila ng tinig, ng dangal, at ng puwang sa Kongreso. Because in the end, if we truly desire a strong nation, we must first strengthen those who stand guard over it. At kung hindi natin sila bibigyan ng boses ngayon, kailan pa?
#DJOT
_________________
*About the author:
