*Dr. Rodolfo John Ortiz Teope, PhD, EdD, DM
May mga pagkakataon sa buhay na ang isang simpleng balita—isang video sa internet o isang ulat sa telebisyon—ay hindi lang basta impormasyon; it becomes a mirror, isang salamin na hindi lang nagpapakita ng pangyayari kundi naglalantad ng mas malalim na katotohanan ng sistema. Nang aking mabasa at mapanood ang ukol sa labingwalong marines na nagsasabing sila raw ay mga aide o bodyguard, hindi ko agad masabi kung ako ba’y maniniwala o hindi. Not because I am doubtful of people, but because experience has taught me that truth is rarely simple, and often layered with human motives, emotions, and circumstances. Bigla akong binalikan ng mga alaala—mga tahimik ngunit mabibigat na eksena—ng mga nakilala kong aide ng isang retiradong heneral at bodyguard ng isang dating Chief ng PNP, at doon ko nakita ang isang problemang hindi lantad ngunit napakadelikado: kapag nawawala ang distansya, nagsisimula ang pagkasira ng sistema.
Kapag ang isang aide ay masyadong malapit, when a bodyguard evolves from protector to gatekeeper, nagbabago ang dynamics ng kapangyarihan. Isang ordinaryong patrolman o sarhento, dahil nakadikit sa mataas na opisyal, begins to feel that he carries the same authority, parang ang ranggo ay hindi na nakikita sa insignia kundi sa lapit. This is what I call a “power overlay position,” kung saan kahit wala siyang formal rank na mataas, siya ang nagiging access point, siya ang nilalapitan, siya ang nagiging tulay ng impluwensya. At sa espasyong iyon, power becomes informal, personal, and dangerously fluid. Nakakalungkot isipin na sa ganitong sitwasyon, ang alalay ay nagiging tila amo, mas mataas pa ang tindig kaysa sa kanyang pinaglilingkuran, at ang mas masakit, sa likod ng kanyang amo ay may mga bulong ng paghamak. That is really bad, and more importantly, that is dangerous—not just to individuals, but to the integrity of the entire institution.
Sa aking sariling karanasan, sa bawat posisyon na aking hinawakan, I made a conscious decision—not to have a driver, not to have a bodyguard—not out of pride, but out of discipline. Hindi dahil may tinatago ako, kundi dahil nauunawaan ko na ang sobrang lapit ay nagbubukas ng access, at ang access ay nagiging impluwensya. When someone sees everything—your movements, your habits, your conversations—kahit wala kang ginagawang mali, the information they hold can eventually become power. At dito pumapasok ang mas masakit na realidad: kapag ang alalay ay nasanay sa lapit, nagkakaroon siya ng pakiramdam na siya ay may karapatan—karapatan sa impormasyon, sa impluwensya, at minsan, sa kung anuman ang tinatanggap ng kanyang amo. And when that sense of entitlement is not met, doon nagsisimula ang sama ng loob, and resentment, once formed, becomes a dangerous seed that can grow into something destructive.
At dito ko nais idiin ang isang bagay na hindi dapat balewalain: there is indeed a need to set distance. Hindi ito opsyonal. Hindi ito depende sa personalidad ng lider. Ito ay isang pangangailangan ng sistema. Dahil kung hindi ka maglalagay ng malinaw na distansya—whether we like it or not—ang mga alalay, ang mga aide, ang mga bodyguard ay unti-unting makakaramdam na sila ay kapantay na ng kanilang amo. Hindi dahil sinabi mo, kundi dahil iyon ang natural na epekto ng sobrang lapit. Familiarity creates comfort, comfort creates confidence, and confidence—when unchecked—creates a false sense of equality and entitlement. Sa bandang huli, hindi mo na kailangan sabihin sa kanila na sila ay “kasing level mo”; sila na mismo ang maniniwala nito. At kapag naniwala na sila, doon nagsisimula ang problema—hindi na malinaw ang utos, hindi na malinaw ang hangganan, at ang respeto ay napapalitan ng pakiramdam ng karapatan.
At kapag dumating ang puntong iyon, kapag ang pakiramdam ng karapatan ay hindi napagbigyan, doon na rin nagsisimula ang pinaka-mapanganib na yugto—ang paglikha ng kwento. Dahil ang aide na minsang malapit, na minsang nakakita, na minsang nakarinig, ay may hawak na piraso ng impormasyon na maaari niyang baluktutin. At kapag siya ay hindi napagbigyan, kapag hindi niya nakuha ang inaasahan niyang bahagi o pabor, ang kanyang sama ng loob ay nagiging salaysay—mga likhang kwentong paninira na kanyang ikinakalat laban sa kanyang amo. Minsan may halong katotohanan, minsan puro imahinasyon, ngunit dahil siya ay dating malapit, nagkakaroon ito ng bigat sa pandinig ng publiko. At dito nagiging mapanganib ang kombinasyon ng access at galit—dahil ang kwento, kahit hindi buo o kahit hindi totoo, ay nagiging sandata na kayang sirain ang reputasyon at kredibilidad ng isang lider.
Ngayon, pagdating sa usapin ng labingwalong marines, mas lalo pang lumalalim ang mga tanong. O ang simpleng tanong ay ito: talaga bang ang labing-walong ito ay naging alalay ng amo na kanilang binabanggit? O isa o dalawa lamang sa kanila? O ito ba ay isang pabalikad at pinalaking akusasyon na nagsimula lamang sa isa, dalawa, o tatlong tunay na nakadikit? Because if that is the case, then the narrative itself may have been expanded, generalized, and amplified beyond its original truth. Maraming katanungan, at ang mga ito ay hindi dapat sagutin ng emosyon kundi ng maingat na proseso.
Kaya marahil ang nararapat ay hindi kolektibong testimonya, kundi independent testimonies. Each one must speak on his own, without influence, without coordination, without pressure. Because only in independence can truth reveal its consistency. One by one, paisa-isa, doon natin makikita kung ang kanilang mga salaysay ay mag-aakma, kung ang detalye ay magkakatugma, kung ang kwento ay may iisang direksyon. Because if all the statements corroborate—if they align naturally without forcing—then perhaps we can begin to believe. Ngunit kapag hindi nag-akma, kapag may mga lamat, kapag may mga kontradiksyon—nakakalungkot, ngunit doon natin makikita na ang kwento ay maaaring hindi buo, maaaring nabuo lamang sa sama ng loob, haka-haka, o impluwensya ng iba.
At dito ko muling naaalala ang aide ng retiradong heneral—yung tindig, yung aura ng kapangyarihan na parang siya ang may hawak ng sistema, at yung mga salitang narinig ko sa likod ng kanyang amo na puno ng paghamak. Tahimik lang akong nakamasid noon, but deep inside, I knew something was wrong. I could feel that the line had already been crossed—that proximity had already transformed into perceived power. At ngayon, sa kwento ng labingwalong marines, parang inuulit lamang ng panahon ang parehong leksyon—different faces, same pattern.
Sa dulo, maaaring hindi pa malinaw ang buong katotohanan, but the pattern is undeniable. When closeness is not controlled, it creates entitlement. Kapag ang entitlement ay hindi napunan, ito ay nagiging sama ng loob. And when resentment finds its moment, it turns into narratives—totoo man o hindi—that can shake institutions to their core. At doon, sa pagitan ng tiwala at distansya, sa pagitan ng utos at pakinabang, sa pagitan ng serbisyo at inaasahan—unti-unting nababasag ang sistema. Hindi ito biglaan, hindi ito maingay, kundi tahimik, dahan-dahan, at halos hindi napapansin.
At ang pinaka-masakit na katotohanan—hindi ang kalaban sa labas ang sisira sa isang institusyon. It is often the ones closest to it, those who once stood as protectors, who slowly begin to believe that they are part of the power they were only meant to serve. At kapag nangyari iyon, ang pagbagsak ay hindi na maiiwasan—hindi dahil sa lakas ng kalaban, kundi dahil sa kahinaan na nagsimula mula sa loob.
#DJOT
_________________
*About the author:
