Dr. John’s Wishful is a blog where stories, struggles, and hopes for a better nation come alive. It blends personal reflections with social commentary, turning everyday experiences into insights on democracy, unity, and integrity. More than critique, it is a voice of hope—reminding readers that words can inspire change, truth can challenge power, and dreams can guide Filipinos toward a future of justice and nationhood.

Thursday, September 17, 2026

CAN THE SENATE COME UP WITH ITS OWN NUMERICAL FORMULA IN AN IMPEACHMENT?

 *Dr. Rodolfo John Ortiz Teope, PhD, EdD, DM

My simple answer is yes.

The Constitution does not specifically say that 16 votes are always required to convict an impeached official. Ang nakasulat ay “two-thirds of all the Members of the Senate.”

Saan nanggaling ang number 16?

Simple computation lamang. Mayroong 24 senators, at ang two-thirds ng 24 ay 16. Ngunit ang 16 ay mathematical result lamang. Hindi ito permanenteng numerong tahasang isinulat sa Constitution.

Kung hindi lahat ng 24 senators ay legal at aktuwal na nakaganap bilang senator-judges, makatuwiran lamang na itanong: Dapat pa rin ba silang lahat isama sa denominator?

Isa lamang naman ang pangunahing issue rito: Are all 24 senator-judges sufficiently equipped to render a fair, objective, and informed judgment?

Kapag may impeachment trial, hindi lamang ordinaryong legislative session ang dinadaluhan ng mga senador. They sit as senator-judges. Ang kanilang desisyon ay maaaring magtanggal sa isang President, Vice President, Chief Justice, o ibang impeachable official na iniluklok sa tungkulin alinsunod sa Constitution.

Hindi maaaring nakabase lamang ang kanilang boto sa political affiliation, personal loyalty, public pressure, o instructions ng kanilang political group.

Justice must be based on the appreciation of facts and evidence.

Paano makapagbibigay ng fair judgment ang isang senator-judge na wala sa mahahalagang impeachment hearings? Paano niya maa-appreciate ang testimonya kung hindi niya narinig ang witness? Paano niya makikita ang kilos, reaksiyon, kumpiyansa, pag-aalinlangan, o consistency ng taong nagsasalita kung wala siya sa hearing?

Paano rin ang mga senator-judges na naka-leave?

Senators pa rin sila. Ngunit kung matagal silang wala at hindi nakadalo sa mahahalagang bahagi ng impeachment trial, paano natin masisiguro na sapat ang kanilang understanding and appreciation of the evidence? Makatarungan bang lumitaw sila sa final voting at magbigay ng verdict kung hindi naman nila nasundan ang proceedings?

Maaaring sabihin ng iba na mayroon namang internet, recordings, transcripts, at online technology. Maaari nilang panoorin ang hearings at basahin ang complete official records. Totoo iyon. Malaking tulong ang technology para makahabol ang isang senator-judge na may valid reason for being absent.

Ngunit iba pa rin ang actual presence during the presentation and examination of evidence.

Iba ang personal mong naririnig ang witness habang sumasagot. Iba ang nakikita mo ang kanyang facial expression, body language, hesitation, at paraan ng pagsagot sa cross-examination. Iba rin ang naririnig mo mismo ang objections, explanations, at arguments ng prosecution at defense habang nangyayari ang hearing.

May mga bagay na mababasa sa transcript. Ngunit may mga bagay ding higit na mauunawaan kapag personal mong nasaksihan ang kabuuan ng proceedings.

At kahit sabihin nating maaaring dumalo online, dapat munang malinaw kung kinikilala ng impeachment rules ang online attendance bilang formal participation ng isang senator-judge. Hindi maaaring basta ipagpalagay na ang panonood mula sa malayo ay awtomatikong katumbas ng official attendance, participation, at performance of constitutional duty.

Hindi rin sapat na sabihin nilang nabasa naman nila ang balita. News reports are not the official evidence. Hindi rin sapat ang social media videos, political commentaries, press releases, o statements ng kanilang partido.

A senator-judge must examine the official records and appreciate the evidence independently.

Imagine an RTC judge who was absent throughout the important hearings of a murder case. Hindi niya personal na narinig ang witnesses. Hindi niya nakita kung paano sinagot ng accused ang allegations. Hindi niya nasaksihan ang presentation, examination, at testing of evidence.

Pagkatapos, bigla siyang lumitaw at nagpataw ng guilty verdict carrying life imprisonment.

Ano ang magiging impression ng ordinaryong mamamayan sa justice system? Ano ang magiging tingin natin sa judge? At paano lubos na magtitiwala ang publiko sa isang desisyong ginawa ng taong hindi nila nakitang nakinig at sumuri sa kasong kanyang hinatulan?

The RTC example is an analogy. Ang impeachment court ay hindi ordinaryong Regional Trial Court, at ang senator-judges ay hindi kapareho sa lahat ng aspeto ng regular judges. Ngunit iisa ang moral foundation ng kanilang tungkulin: No one should render judgment without seriously examining the facts and evidence.

Hindi natin sinasabing awtomatikong invalid ang desisyon ng isang senator-judge na hindi nakadalo sa bawat hearing. May mga pagkakataong maaaring pag-aralan ang complete records at makagawa pa rin ng informed decision.

Ngunit ibang usapan ang paminsang valid absence at ang substantial or total nonparticipation.

Ang senator-judge na lumiban sa isang hearing ngunit kumpletong nag-review ng transcripts, recordings, exhibits, at official records ay hindi kapareho ng senator-judge na halos wala sa buong proseso, hindi nakinig, hindi nagbasa, at hindi nagsuri ng ebidensiya.

Kaya kailangan ng Senate na tingnan hindi lamang ang pangalan ng 24 senators, kundi ang kanilang legal capacity and meaningful participation as senator-judges.

Kung lahat ng 24 ay legal na maaaring bumoto at meaningfully participated, sa pamamagitan man ng actual attendance o isang demonstrable review of the complete official record, then 16 votes should remain the requirement.

Ngunit kung may mga senador na legal o aktuwal na hindi maaaring gumanap at bumoto bilang senator-judges, may makatuwirang dahilan upang i-recompute ang numerical requirement.

Hindi binabago ng Senate ang two-thirds requirement. Ina-apply lamang nito ang constitutional fraction sa wastong bilang ng mga senator-judges na tunay na maaaring humatol.

The Constitution requires two-thirds. It does not expressly say 16 under every imaginable circumstance.

Ito rin ang dahilan kung bakit nagkakaiba ang naging pananaw ng apat na retired Supreme Court justices. Retired Chief Justices Hilario Davide Jr., Artemio Panganiban, and Reynato Puno generally recognized that the required number could change depending on who should legally be counted in the denominator. Retired Associate Justice Adolfo Azcuna, on the other hand, maintained that all 24 sitting senators should be counted and that the threshold should remain fixed at 16.

Pare-pareho silang naging miyembro ng pinakamataas na hukuman ng bansa. Pare-pareho nilang binasa ang Constitution. Pare-pareho silang may malalim na kaalaman at mahabang karanasan sa batas.

Yet they arrived at different conclusions.

I must therefore make one thing clear: I am not a lawyer, and I do not pretend to possess the final or binding interpretation of the Constitution.

But the Constitution is not the exclusive property of lawyers.

It was written not only for members of the Bar, judges, and legal scholars, but for the Filipino people whose rights, institutions, and government it protects. Every citizen has the right to read it, study it, question its application, and participate in an informed discussion about its meaning.


Lawyers and former Supreme Court justices possess legal training and experience that deserve our respect. But no lawyer, retired justice, or individual legal expert has a monopoly on the correct interpretation of the Constitution.

The disagreement among the four retired justices itself proves this point. They examined the same constitutional provision, studied the same words, and applied their legal knowledge, yet they reached different conclusions.

Kung iisa lamang ang possible interpretation, bakit nagkakaiba ang kanilang mga opinyon?

Even members of the Supreme Court frequently disagree. That is why there are majority opinions, concurring opinions, and dissenting opinions. The existence of disagreement does not necessarily mean that one side is dishonest, incompetent, or politically motivated. It means that constitutional language may be examined through different legal, historical, mathematical, and practical perspectives.

Of course, when an actual constitutional controversy reaches the Supreme Court, its majority ruling becomes legally controlling unless subsequently modified or overturned. But that does not remove the right of citizens, researchers, academics, and public officials to examine and discuss the reasoning behind that interpretation.

My position is not presented as legal advice or as an infallible declaration of what the Constitution means. It is an analysis based on the constitutional text, available facts, research, logic, and the practical demands of justice.

Hindi ko inaangkin na ako lamang ang tama. Ang hinihingi ko lamang ay huwag nating isara ang constitutional discussion dahil hindi abogado ang isang nagtatanong.

A legal title may establish professional qualification, but it does not automatically make every interpretation unquestionable. In the same way, the absence of that title does not automatically make a fact-based and well-researched analysis worthless.

The Constitution belongs to the Filipino people. Lawyers may guide us in understanding it, courts may issue binding interpretations, and scholars may deepen the discussion, but every Filipino has the right to ask whether its application remains faithful to justice, reason, and democracy.

Kaya maaaring bumuo ang Senate ng reasonable numerical formula. Ngunit dapat nakabatay ito sa isang malinaw na prinsipyo: Only senator-judges who are legally capable of voting and who have meaningfully participated, either through actual attendance or a demonstrable review of the complete official record, should be considered in determining the proper voting base.

Hindi ito tungkol sa pagpapadali ng conviction. Hindi rin ito tungkol sa pagpapabor sa prosecution o defense. It is about protecting the integrity and credibility of the judgment.

Because the most important question is not simply, “How many senators voted?”

The more important question is, “Did those who rendered judgment truly hear, understand, and appreciate the facts and evidence?”

Sa impeachment, hindi sapat na may boto. Kailangang may pinagbatayang ebidensiya ang boto. Hindi sapat na may desisyon. Kailangang ang nagdesisyon ay tunay na nakinig, nag-aral, at umunawa.

Kung hindi, maaaring kumpleto ang numero, ngunit kulang naman ang hustisya.

_________________________________________________________

Dear Reader,

I invite you to explore my complete collection of published books now available on Amazon. Whether you are seeking in-depth analysis, strategic insights, or engaging narratives, my catalog covers a range of essential topics designed to inform, inspire, and provoke thoughtful discussion.

You can browse all my current titles, read excerpts, and order your copies directly through my official Amazon Author Page: 

Click this Image to View:








Thank you for your continued support and interest in my work. If you enjoy any of the titles, leaving a review on Amazon would be greatly appreciated as it helps bring these ideas to a broader audience.

Warm regards,

Dr. Rodolfo John Ortiz Teope

___________________________________________________________________________________________________

*About the author:

Dr. Rodolfo “John” Ortiz Teope is a distinguished Filipino academic, public intellectual, and advocate for civic education and public safety, whose work spans local academies and international security circles. With a career rooted in teaching, research, policy, and public engagement, he bridges theory and practice by making meaningful contributions to academic discourse, civic education, and public policy. Dr. Teope is widely respected for his critical scholarship in education, management, economics, doctrine development, and public safety; his grassroots involvement in government and non-government organizations; his influential media presence promoting democratic values and civic consciousness; and his ethical leadership grounded in Filipino nationalism and public service. As a true public intellectual, he exemplifies how research, advocacy, governance, and education can work together in pursuit of the nation’s moral and civic mission.



Wednesday, September 16, 2026

YOU LIVED ANOTHER DAY, PERO KAILAN KA MAGIGISING?

 Buhay ang Iyong Katawan, Pero Gising Na Ba ang Iyong Konsensiya?

*Dr. Rodolfo John Ortiz Teope, PhD, EdD, DM


Kanina, kakagising mo lamang. Dumilat ka, huminga, at bumangon. Habang binabasa mo ito, marahil ay nagpapasalamat ka dahil you woke up alive and free, with another day to live. Sa mundong maraming natulog kagabi ngunit hindi na muling nagising, ang araw na ito ay isang biyayang hindi mo dapat maliitin.

You lived another day.

May isa ka na namang pagkakataong mangarap, magmahal, magpatawad, magsimulang muli, at itama ang mga pagkakamali ng kahapon. Nadagdagan ng isang araw ang iyong buhay. Ngunit habang tinitingnan mo ang kalagayan ng ating bayan, maaari mong itanong: May nadagdag din ba sa ating pag asa? May nabawas ba sa paghihirap ng mga Pilipino?

Buksan mo ang iyong cellphone. Tingnan mo ang social media at basahin ang mga balita.

 Ano ang makikita mo? Korapsyon. Kahirapan. Krimen. Eskandalo. Sisihan. Bangayan. Mga politikong nag aaway sa harap ng kamera habang ang ordinaryong Pilipino ay tahimik na nakikipaglaban upang maitawid ang pang araw araw na buhay.

Naalala mo pa ba noong karaniwan pang may diyaryo tuwing umaga? Ako, lagi akong nagbabasa noon. Sports muna, saka balita, pagkatapos ay mga column. May mga kontrobersiya at katiwalian din noong mga panahong iyon, ngunit tila hindi kasingtalamak, kasinglantad, at kasingbigat ng mga nababasa natin ngayon.

Ngayon, halos bawat paggising mo ay may panibagong iskandalo, bagong alegasyon ng korapsyon, at bagong mukha ng kasakiman. Nagbabago ang mga pangalan, pero hindi nagbabago ang kuwento. Nagpapalit ang mga nakaupo, ngunit nananatili ang lumang kalakaran.

Araw araw kang gumigising na mahirap pa rin ang bayan. May korapsyon pa rin. May mga opisyal pa ring nagnanakaw. Pinapalitan natin ang isang magnanakaw, ngunit kung minsan, magnanakaw din ang pumapalit. May mga taong ipinakikilalang malinis, matino, at makabayan, ngunit kapag nakatikim ng kapangyarihan, nilalamon din sila ng sistemang ipinangako nilang babaguhin.

Hindi ka ba napapagod?

Hindi ka ba nagsasawang marinig ang parehong mga pangako? Hindi ka ba nagtataka kung bakit napakarami nang programa, komisyon, task force, imbestigasyon, at reporma, ngunit tila pareho pa rin ang buhay ng ordinaryong Pilipino?

Baka ikaw mismo ay naghahanap ngayon ng trabaho o disenteng kabuhayan. Baka ilang buwan ka nang walang kita at hindi mo alam kung kailan darating ang susunod na pagkakataon. Baka iniisip mo kung saan kukuha ng sandaang piso para sa pagkain, gamot, pamasahe, o matrikula ng iyong anak. Baka hindi mo naman hinihingi ang buong mundo. Gusto mo lamang ng marangal na pagkakakitaan, maliit na tahanan, tahimik na buhay, at pagkakataong makapagsimulang muli.

Habang ikaw ay namomroblema sa isang libong piso, may mga taong pinag uusapan ang milyon na para bang barya lamang iyon. Habang naghahanap ka ng maliit na silid na masisilungan, may mga taong hindi pa rin makontento kahit mayroon nang mansiyon, negosyo, kapangyarihan, at bahay sa Forbes Park.

Ikaw ay naghahanap ng makakain. Ang sakim ay naghahanap pa ng mananakaw.

Kung ikaw naman ay isang politiko o opisyal ng pamahalaan na nagbabasa nito. Marahil ay hindi ka corrupt. Marahil ay isa ka sa mga tahimik na naglilingkod nang tapat at nagsisikap na baguhin ang sistema mula sa loob. Kung ganoon, huwag kang mapagod. Kailangan ka ng bayan. Ngunit huwag ka ring manahimik kapag nakikita mong ninanakawan ang taumbayan. Sapagkat kapag nanahimik ang mabuti, lalong lumalakas ang loob ng masama.

Ngunit kung ginagamit mo ang iyong posisyon upang magpayaman, tumingin ka muna sa paligid mo.

Habang binibilang mo ang iyong komisyon, may amang umuuwi nang walang dalang pagkain. Habang itinatago mo ang pera ng bayan, may batang pumapasok sa paaralan nang walang laman ang tiyan. Habang nagpapagawa ka ng isa pang mansiyon, may pamilyang natutulog sa ilalim ng tulay. Habang nagpapakasaya ka sa iyong kayamanan, may pasyenteng unti unting namamatay dahil walang gamot ang pampublikong ospital.

Baka sa iyo, numero lamang ang sandaang milyon o isang bilyon. Ngunit ang bawat pisong kinukuha mo ay maaaring pagkain, gamot, silid aralan, trabaho, tahanan, o buhay na ipinagkakait mo sa kapwa Pilipino.

At ikaw, oo, ikaw na nagnanakaw sa bayan at nais nang tumigil sa pagbabasa dahil tinatamaan ka. Bago mo isara ito, sagutin mo muna ang isang tanong.

Kaya mo bang sikmurain na ang pagkaing inihahain mo sa iyong pamilya ay maaaring galing sa luha, gutom, paghihirap, at maging kamatayan ng ibang tao?

Kaya mo bang yakapin ang iyong mga anak habang alam mong ang kinabukasan nila ay itinatayo mo gamit ang perang ninakaw mo sa kinabukasan ng mga anak ng iba?

Baka sabihin mong ginagawa mo lamang ito para sa iyong pamilya. Ngunit anong uri ng pagmamahal ang itinatayo sa pagdurusa ng ibang pamilya? Anong dangal ang maipamamana mo sa iyong mga anak kung ang bahay na kanilang tinitirhan, pagkaing kanilang kinakain, at edukasyong kanilang tinatamasa ay nagmula sa gamot na hindi nabili, kalsadang hindi naayos, silid aralang hindi naitayo, at buhay na hindi nailigtas?

Ang perang ninakaw sa bayan ay hindi nagiging malinis dahil lamang naipambili mo ito ng pagkain. Bawat subo ay may kasamang luha ng isang pamilyang pinagkaitan. Bawat luho ay may katumbas na pangangailangan ng isang mamamayang pinabayaan. Bawat kayamanang itinayo mula sa korapsyon ay isang monumento sa mga pangarap na iyong winasak.

Bago mo sabihing ginagawa mo ito para sa iyong pamilya, tanungin mo muna ang iyong sarili.

Kaya mo bang ipagmalaki sa iyong mga anak kung saan talaga nanggaling ang perang ipinapakain mo sa kanila?

Huwag mong sabihing ginagawa rin naman ito ng iba. Huwag mong gawing dahilan ang bulok na sistema upang maging bulok ka rin. Hindi ka iniluklok sa puwesto upang gayahin ang mga nauna sa iyo. Binigyan ka ng kapangyarihan upang itama ang kanilang mga pagkakamali.

Tandaan mo. Hindi sa iyo ang opisina. Hindi sa iyo ang pondo. Hindi sa iyo ang pamahalaan. Hiniram mo lamang ang kapangyarihan mula sa mamamayan. Darating ang araw na kailangan mo itong isauli. Ngunit kapag dumating ang araw na iyon, anong pangalan ang maiiwan mo? Pangalan ng isang lingkod, o pangalan ng isang magnanakaw?

At ikaw namang mamamayan, may pananagutan ka rin.

Madaling magalit, mag post, magkomento, magmura, at manisi. Ngunit pagkatapos mong ibaba ang iyong cellphone, ano ang ginagawa mo? Kapag ang politikong gusto mo ang nasasangkot sa katiwalian, ipinagtatanggol mo ba siya? Kapag ang katotohanan ay hindi pabor sa iyong panig, tinatanggap mo ba ito o tinatawag mo agad na fake news? Kapag binigyan ka ng pera kapalit ng iyong boto, iniisip mo bang ayos lamang iyon dahil pera rin naman ng bayan?

Kapag may bagong personalidad na sumikat, iniidolo mo ba agad bago mo suriin ang kanyang pagkatao, kakayahan, rekord, at pinagmumulan ng yaman?

Dito nagsisimula ang tunay na pagbabago. Hindi lamang sa Malacañang, Senado, Kongreso, munisipyo, o barangay. Nagsisimula rin ito sa iyo.

Magsisimula ang pagbabago kapag tumanggi kang ipagbili ang iyong boto. Kapag hindi mo ipinagpalit ang iyong prinsipyo sa ayuda, pabor, posisyon, o pangakong hindi naman tiyak na matutupad. Kapag handa mong singilin maging ang lider na iyong sinuportahan. Sapagkat ang iyong katapatan ay dapat nakalaan sa bayan, hindi sa kulay, pamilya, partido, o personalidad.

Hindi mo kailangang hintayin ang susunod na halalan. Maaari kang magsimula ngayon. Magtanong ka. Magsiyasat ka. Magsalita ka. Makilahok ka. Tumanggi kang magpagamit. Ipagtanggol mo ang katotohanan kahit hindi ito pabor sa iyong panig. Huwag mong hayaang ang galit mo ay matapos lamang sa isang post na malilimutan din kinabukasan.

At sa mga politiko at opisyal ng pamahalaan, hindi pa huli ang lahat. Maaari pa kayong pumili. Maaari kayong tumangging pumirma sa maanomalyang transaksiyon. Maaari ninyong ilantad ang katiwalian. Maaari ninyong unahin ang serbisyo bago ang sarili. Maaari pa ninyong patunayang ang kapangyarihan ay hindi lisensiya upang magnakaw, kundi pagkakataong maglingkod at gumawa ng kabutihan.

Kanina, lahat tayo ay nagising na buhay at malaya. Ang mamamayan, ang politiko, ang kawani ng pamahalaan, ang mayaman, at ang mahirap. Pareho tayong binigyan ng panibagong araw. Ngunit hindi sapat na gising lamang ang ating katawan habang natutulog ang ating konsensiya.

Hindi sapat na humihinga tayo kung wala na tayong pakialam sa naghihingalo nating bayan. Hindi sapat na nadaragdagan ang mga araw ng ating buhay kung hinahayaan naman nating mabawasan ang kinabukasan ng ating mga anak.

Kung patuloy na matutulog ang mamamayan habang gising ang mga magnanakaw, bukas ay gigising na naman tayo sa parehong kahirapan, parehong katiwalian, at parehong sirang sistema.

You lived another day.

Ngunit ang panibagong araw ay hindi lamang pagkakataong mabuhay. Isa rin itong pagkakataong pumili. Mananahimik ka ba o magsasalita? Magpapagamit ka ba o maninindigan? Magnanakaw ka ba o maglilingkod? Magpapaloko ka pa ba, o sisimulan mo nang hanapin at ipagtanggol ang katotohanan?

Buhay ka. Humihinga ka. Gising ang iyong katawan.

Pero kailan magigising ang iyong konsensiya?

You lived another day, pero kailan ka magigising?

_________________________________________________________

Dear Reader,

I invite you to explore my complete collection of published books now available on Amazon. Whether you are seeking in-depth analysis, strategic insights, or engaging narratives, my catalog covers a range of essential topics designed to inform, inspire, and provoke thoughtful discussion.

You can browse all my current titles, read excerpts, and order your copies directly through my official Amazon Author Page: 

Click this Image to View:








Thank you for your continued support and interest in my work. If you enjoy any of the titles, leaving a review on Amazon would be greatly appreciated as it helps bring these ideas to a broader audience.

Warm regards,

Dr. Rodolfo John Ortiz Teope

___________________________________________________________________________________________________

*About the author:

Dr. Rodolfo “John” Ortiz Teope is a distinguished Filipino academic, public intellectual, and advocate for civic education and public safety, whose work spans local academies and international security circles. With a career rooted in teaching, research, policy, and public engagement, he bridges theory and practice by making meaningful contributions to academic discourse, civic education, and public policy. Dr. Teope is widely respected for his critical scholarship in education, management, economics, doctrine development, and public safety; his grassroots involvement in government and non-government organizations; his influential media presence promoting democratic values and civic consciousness; and his ethical leadership grounded in Filipino nationalism and public service. As a true public intellectual, he exemplifies how research, advocacy, governance, and education can work together in pursuit of the nation’s moral and civic mission.



Dr. Rodolfo John Ortiz Teope

Dr. Rodolfo John Ortiz Teope

Blog Archive

Search This Blog