*Dr. Rodolfo John Ortiz Teope, PhD, EdD, DM
Bawat umaga,
nagigising ang Pilipinas na may pasan-pasang sugat na hindi naman niya
hiniling. Isang bansang naghihilom tayo—bugbog ng kontrobersiya, laslas ng
korapsyon, lason ng pulitikang puno ng drama, at tahimik na dumurugo dahil sa
mga alitang pampamilya na sana’y sa loob lamang ng tahanan, ngunit ngayo’y
isinisigaw sa buong bayan na parang entablado ang Republika.
At sa kabila ng
lahat ng ito, tumatayo pa rin tayo.
Dahil iyan ang
likas sa Pilipino—bumangon kahit pagod, ngumiti kahit masakit, umasa kahit
sugatan.
Kaya nang
humarap si Senador Imee Marcos sa dagat ng mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo at
buong bangis na sinabi sa sambayanan na ang kanyang sariling kapatid—ang
Pangulo ng Republika—ay gumagamit umano ng cocaine, parang nayanig ang hangin.
Hindi malumanay ang pahayag niya. Hindi rin binalutan ng paggalang. Para itong
punyal na ibinaon sa gitna ng isang pagtitipon na naghanap ng katarungan, hindi
ng eskandalo.
Ngunit ang mas
malaking pagkagulat ay hindi nanggaling sa kanya.
Nanggaling ito
sa katahimikan ng taong kanyang tinuligsa.
Hindi sumagot
si Pangulong Bongbong Marcos.
Hindi nagalit.
Hindi
nagpasaring.
Hindi
nag-hostile takeover ng media.
Wala.
Tahimik siyang
bumalik sa trabaho.
Isang kapatid
ang pinili ang entablado;
ang isa, ang
trabaho.
Isang kapatid
ang sumigaw;
ang isa, ay
tumahimik.
At dito
nagkaanyo ang buong kuwento—mariin, dramatiko, at tahimik na mas malakas pa sa
sigaw.
Nakita ito ng
sambayanan.
Narinig nila
ang gulo—pero mas malinaw nilang nakita ang totoo.
Sa kabila ng
akusasyon, walang malawakang panawagan na magbitiw ang Pangulo.
Walang sigaw
ang Simbahang Katolika para sa pagbabagsak.
Walang
deklarasyon ang INC para sa pagpapabagsak ng administrasyon.
Tahimik ang mga
negosyante.
At maging ang
mga maralitang sinalanta ng baha—ang tunay na nasaktan sa flood control
scandal—hindi humingi ng pagpapatalsik. Ang hiningi nila ay hustisya.
Dahil marunong
na ang Pilipino.
Mas matalino
na.
Mas sugatan na,
pero mas nagising.
Alam na natin:
Palitan mo ang pangulo kung bulok pa rin ang sistema, babalik at babalik ka sa
simula.
At dito
pumapasok ang matinding aral ng kasaysayan.
Dahil hindi ito
ang unang beses na ang mga pinuno ay may madidilim na nakaraan.
Puno ng
ganitong mga pinuno ang kasaysayan.
Si John F.
Kennedy, mukha ng pag-asa ng Amerika, nakipaglaban sa matinding kirot sa likod,
sa mga relasyong labas sa kasal, at sa pagdepende sa mga gamot. Pero minahal pa
rin siya ng bayan.
Si Franklin
Roosevelt, tagapag-ahon ng Amerika sa depresyon, itinago ang kanyang
pagkaparalisa habang pasan ang bigat ng sirang relasyon at matinding emosyonal
na pasanin.
Si Bill
Clinton, na halos lamunin ng iskandalo kasama si Lewinsky, ay naghari sa
pinakamalakas na ekonomiya ng Amerika.
At maging si
Winston Churchill, ang pinakatanyag na simbolo ng lakas sa panahon ng digmaan,
ay nilamon ng depresyon na tinawag niyang “black dog” na araw-araw siyang
sinusundan.
At sa
Pilipinas, hindi rin bago ang mga aninong ito.
Si Ferdinand
Marcos Sr. ay halo ng isang henyo at isang diktador—isang utak na makabansa at
isang kamay na bakal sa iisang katawan.
Si Joseph
Estrada ay pumasok sa Malacañang sa piling ng pagsamba ng masa, ngunit lumabas
habang pasan ang kaso ng plunder.
Si Gloria
Macapagal Arroyo ay nalubog sa mga paratang ng pandaraya at lagayan.
Si Benigno
Aquino III ay sinundan ng multo ng Mamasapano at SAF 44.
Ngunit ang
pinakamabigat na halimbawa: Rodrigo Roa Duterte.
Isang hayag na
nagpakilalang pumatay.
Hindi niya
ikinahiya.
Paulit-ulit
niyang inulit.
Para bang ito’y
medalya, hindi kasalanan.
At minahal siya
ng DDS.
Minahal pa
lalo.
Naging idolo
nila siya dahil sa dilim na iyon, hindi sa kabila nito.
Ginawa nila
itong simbolo ng tapang.
Ganito tayo
ka-komplikado bilang bansa.
Nasaksihan na
natin ang mga pinunong may mas mabibigat at mas madidilim na pasanin kaysa sa
anumang paratang na inihagis ni Imee laban sa kanyang kapatid.
Kaya hindi
gumuguho ang Pilipinas.
Kasi alam ng
Pilipino ang kaibahan ng iskandalong personal sa pagkasira ng sistema.
At dito na ako
nagsasalita, hindi bilang analyst, kundi bilang Pilipinong nakasaksi mismo ng
kasaysayan.
May mga
magagalit sa akin dahil hindi ko sinasabing dapat patalsikin ang Pangulo.
May mga
magsasabing takot ako, o bulag, o maka-admin.
Pero hindi ito
takot—alaala ito.
Nandoon ako sa
EDSA 1.
Saksi ako sa
EDSA 2.
Narinig ko ang
sigaw ng milyun-milyon.
Narinig ko ang
dasal ng bayan.
Narinig ko ang
pangakong “ito na ang simula.”
At sa dalawang
pagkakataon, nakita ko ring bumagsak ang pangako.
Yes, natanggal
ang mga pangulo—pero ang bulok na sistema, naiwan.
Pareho pa rin
ang korapsyon.
Pareho pa rin
ang mga mukha sa likod ng kurtina.
Pareho pa rin
ang maanomalyang sirkulo ng kapangyarihan.
Dalawang
rebolusyon.
Dalawang
pagkabigo.
Dalawang
pagputok ng pag-asa na nauwi sa abo.
Ayoko nang
umasa ng ganoong uri ng pag-asa.
Hindi na ako
magpapaloko sa panibagong sigaw ng kalsada na hindi naman nag-aalok ng bagong
sistema.
Hindi na ako
magpapahila sa pangarap na palitan lang ang lider pero iiwan ang maysakit na
ugat ng Estado.
Iba na ang
hinahanap ko ngayon.
Mas mahirap.
Mas mabagal.
Mas masakit.
Pero mas tunay.
Gusto ko ng
system change, hindi personality change.
Gusto ko ng
bagong konstitusyon, hindi band-aid reform.
Gusto ko ng mga
institusyong mas malakas kaysa sa apelyido.
Gusto ko ng
hustisyang hindi nakadepende kung sino ang nasa Malacañang.
Gusto ko ng
bansang hindi paulit-ulit ang trahedya.
At kung si PBBM
ay may kasalanan man—anumang kasalanan—darating at darating ang hustisya.
Kung hindi
ngayon, sa susunod na administrasyon.
Kung hindi sa
korte, sa kasaysayan.
Kilala ng
kasaysayan ang mga lumalabag.
Hindi ito
nakakalimot.
Hindi ito
nagpapatawad nang walang kabayaran.
At hindi ito
nawawalan ng oras.
Kaya hindi
matutulad sa Peru ang Pilipinas.
Hindi guguho
ang Palasyo dahil sa sigaw ng isang kapatid.
Dahil ang
Pilipino ngayon ay hindi na nadadala sa tsismis.
Hindi na
nadadala sa drama.
Hindi na
nadadala sa mabilisang himagsikan.
Ang gusto natin
ay katarungan, hindi kaguluhan.
Reporma, hindi
pag-aalsa.
Konstitusyonal
na pagbabago, hindi paulit-ulit na EDSA.
Peru ay
bumagsak dahil inilibing ang katotohanan.
Pilipinas ay
nananatiling nakatayo dahil hinihingi natin ang katotohanan—hindi sa ingay,
kundi sa hustisya.
Hindi lahat ng
bitak ay gumuguho ang palasyo.
Ang ilan,
nagpapakita lang kung saan papasok ang liwanag.
Ang ilan,
nagtuturo kung anong sugat ang dapat hilumin.
At ang ilan,
nagpapaalala sa atin na ang tunay na pagbabago ay hindi nanggagaling sa
pagbagsak ng isang tao—kundi sa muling pagbuo ng mismong kaluluwa ng bansa.
At ngayon,
habang ang isang kapatid ay sumisigaw at ang isa ay nananahimik, pinipili ng
Pilipino ang mas makapangyarihang landas:
Ang pag-asa na,
sa wakas, hindi na mauulit ang kasaysayan.
Not All Cracks
Break the Palace: The Marcos Rift Through a Fujimori Lens of Peru
By Dr. Rodolfo
John Ortiz Teope
The Philippines
wakes up each morning carrying wounds it never asked for. We are a nation still
healing—bruised by corruption, stung by controversies, shaken by political
theatrics, and quietly bleeding from family feuds that spill into the public
square like confessions meant for the world to dissect. Yet for all these
wounds, we rise. We always rise. Because rising is the only thing we Filipinos
know how to do, even when our hearts are tired, even when our dreams are faded,
even when our faith in leadership feels thin.
So when Senator
Imee Marcos stepped before a sea of Iglesia Ni Cristo members and told the
entire nation that her own brother—the President of the Republic—was a cocaine
user, the country trembled for a heartbeat. Her words were not careful. They
were not softened by love or loyalty. They were sharp, deliberate, almost
surgical in their cruelty.
But the greater
shock came not from her.
It came from
the silence of the man she accused.
President
Bongbong Marcos did not answer.
He did not deny
in anger.
He did not
retaliate.
He did not turn
the podium into a battlefield.
He simply went
back to work.
One sibling
chose spectacle; the other chose silence.
One chose
accusation; the other chose duty.
One shouted;
one carried on.
And this
contrast—quiet yet thunderous—became the soul of the moment.
Filipinos saw
the drama. But they also saw through it. Because despite Imee’s explosive
allegations, there was no national call for PBBM to resign, not from the
Church, not from the INC, not from the elites, and not from the poor who
suffered the floods.
Filipinos asked
not for a fall, but for accountability.
Not for chaos,
but for justice.
Because we, as
a nation, have learned the hardest lesson history could teach: leaders have
always carried shadows. And the world has always been led by men—and
women—whose private lives were often darker than their public victories.
History is full
of such leaders.
John F.
Kennedy, the golden boy of American hope, lived with chronic back pain so
agonizing he could barely stand. He drowned himself in painkillers and
entangled himself in extramarital affairs. Yet America loved him—deeply,
blindly, almost religiously.
Franklin
Roosevelt—hero of the Great Depression and architect of the New Deal—hid his
paralysis from the public eye. Behind closed doors, he bore the pain of a
broken marriage and the psychological toll of illness. Still, he became one of
America’s greatest presidents.
Bill Clinton
survived the humiliation of the Lewinsky scandal, a moral earthquake that would
have shattered lesser men. Yet he presided over one of the strongest economic
booms in U.S. history.
Even Winston
Churchill, the man who stood against Hitler with unmatched courage, battled a
depression so deep he named it “the black dog.” He drank too much. He cried
often. But he saved a continent.
And here at
home, our leaders carried their own shadows.
Ferdinand
Marcos Sr. embodied both statesmanlike brilliance and authoritarian brutality
in one complicated heartbeat.
Joseph Estrada
entered Malacañang with the love of the masses and left its gates under charges
of plunder.
Gloria
Macapagal Arroyo navigated the storms of electoral fraud, corruption scandals,
and political isolation.
Benigno Aquino
III spent his term haunted by Mamasapano, SAF 44, and the weight of
expectations he could never fully meet.
But perhaps the
most jarring example of all is Rodrigo Roa Duterte.
A
self-confessed killer.
He admitted it
loudly.
He admitted it
repeatedly.
He admitted it
with a sense of pride—as though killing were a credential, not a confession.
And yet the DDS
adored him even more.
They worshipped
his darkness.
They embraced
his ruthlessness.
They made a
hero out of a man who celebrated violence.
This is who we
are as a nation:
A people who
have seen presidents with sins far greater, darker, and more violent than
anything Imee hurled at her brother.
A people who
know the difference between personal scandal and systemic collapse.
A people who no
longer rise for gossip—but rise only when the system betrays us.
And here is
where I speak not just as an observer, but as a Filipino who lived through
history’s flame.
There are those
who may hate me for saying that I do not wish for the president’s swift
downfall. They may call me blind, cowardly, or complicit. But I say this not
from fear—I say it from memory.
Because I was
there at EDSA 1.
And I was there
at EDSA 2.
I felt the
electricity of hope surging through millions.
I believed in
the righteousness of our cause.
I believed we
were tearing down darkness so the country could finally breathe.
But in the
quiet years that followed, hope slowly collapsed.
The same
corrupt networks resurfaced.
The same
dynasties returned.
The same wounds
reopened.
And then EDSA 2
came—another explosion of hope, another promise that we were finally free.
Yet after the
confetti fell and the cheers faded, we realized the truth:
We removed
presidents, not systems.
We toppled
leaders, not corruption.
We changed the
faces, not the foundations.
Hope betrayed
twice is a wound that never fully heals.
And that is why
I refuse to hope that kind of hope again.
I do not want
another EDSA.
I do not want
another revolution wrapped in euphoria but destined for disappointment.
I do not want
another cycle of anger mistaken for reform.
I want
something deeper.
Harder.
Slower.
But permanent.
I want systems
change, not personality change.
I want a new
constitution, not a recycled political circus.
I want
institutions stronger than surnames.
I want justice
that does not depend on who sits in Malacañang.
I want a
country that stops repeating its tragedies every decade.
I want a nation
my daughter can rely on—not a nation held hostage by political theatrics.
And if PBBM is
guilty of anything—anything at all—then justice will still reach him.
If not today,
then tomorrow.
If not under
his own term, then under the next.
Because history
is patient.
History takes
its time.
But history
never forgets.
This is why the
Marcos sibling rift—no matter how dramatic, no matter how loud, no matter how
explosive—Imee’s accusations may be, does not shake the foundations of the
state.
Because the
Filipino people now understand:
Removing a
president is easy.
Rebuilding a
country is hard.
Peru shook
because its truth was suffocated.
The Philippines
stands because its people demand truth—slowly, painfully, but through justice,
not chaos.
Not all cracks
break the palace.
Some cracks
simply reveal where the light must enter.
Some cracks
teach us that revolutions are loud but fleeting…
while reforms
are quiet but lasting.
And today, as
one sibling screams and the other chooses silence, the Filipino chooses
something infinitely more powerful:
The hope that
this time, history will not repeat itself.
____
