Dr. John’s Wishful is a blog where stories, struggles, and hopes for a better nation come alive. It blends personal reflections with social commentary, turning everyday experiences into insights on democracy, unity, and integrity. More than critique, it is a voice of hope—reminding readers that words can inspire change, truth can challenge power, and dreams can guide Filipinos toward a future of justice and nationhood.

Tuesday, August 4, 2026

Impeachment Is Not About Winning The Trial. It Is About the Our Nation.

 *Dr. Rodolfo John Ortiz Teope, PhD, EdD, DM

Hindi ako fan ni Senator Robin Padilla. Sa totoo lang, may mga pagkakataon ding napapangiti ako o napapatawa sa ilan niyang mga pahayag. Minsan nga, naging kritiko rin ako sa kanya. Kaya noong unang lumabas ang balita na sinabi niyang, “Ang prosecution ay hindi dapat maging bias,” maging ako ay natawa.


Ang una kong sinabi sa sarili ko, “Parang may problema yata sa sinabi niya.”


Natural lang naman ang naging reaksyon ko. Bilang isang taong matagal nang nag-aaral ng governance, constitutional law, at public administration, ang una kong naisip ay ang ordinaryong criminal trial. Sa isang criminal case kasi, malinaw ang papel ng prosecution at ng defense. Ang prosecutor ay nandiyan upang patunayan ang kaso laban sa akusado. Ang defense naman ay nandiyan upang ipagtanggol ang kanyang kliyente. Pareho silang may panig. Pareho silang gustong manalo. Ganoon ang sistema ng ating mga korte.


Pero habang lumilipas ang mga araw, hindi ko hinayaang manatili ako sa una kong impresyon.


I started studying the impeachment process more deeply. Mas marami akong binasa. Nakinig ako sa iba’t ibang constitutional experts, legal practitioners, at mga taong may magkakaibang pananaw. Pinagmamasdan ko rin kung paano umuusad ang proseso. Hindi ko na tiningnan kung sino ang nagsabi. Ang tinignan ko ay ang mismong ideya.


At doon ko naisip…


“Sandali lang… baka may punto siya.”


Hindi dahil sang-ayon ako sa lahat ng kanyang sinasabi. Hindi rin dahil ipinagtatanggol ko siya. Ang ibig kong sabihin ay baka ang gusto niyang ipahiwatig ay mas malalim kaysa sa literal na kahulugan ng kanyang mga salita.


Dito ko naunawaan na baka magkaiba lamang ang lente na ginagamit ng marami sa pagtingin sa impeachment.


Kapag ordinaryong criminal case ang pinag-uusapan, walang duda. Ang prosecution ay advocate ng kanilang kaso. Ang defense ay advocate ng kanilang kliyente. Ang layunin ng bawat isa ay kumbinsihin ang hukuman.


Pero impeachment is different.


Ang impeachment ay hindi isang ordinaryong criminal trial. Hindi ito bahagi ng regular na judiciary. Ito ay isang constitutional at political process na nilikha upang panagutin ang pinakamataas na opisyal ng pamahalaan habang pinoprotektahan din ang tiwala ng sambayanan sa ating mga demokratikong institusyon.


At dito ko nakita ang maaaring ibig sabihin ng pahayag ni Robin Padilla.


Marahil, ang prosecution ay hindi dapat maging bulag sa sarili nitong posisyon dahil lamang gusto nitong manalo. They should remain faithful to their constitutional duty, but they should never ignore objective facts simply because those facts may also favor the defense. Ang layunin ay hindi lamang makakuha ng conviction kundi tiyaking ang proseso mismo ay magiging makatarungan at kapani-paniwala sa mata ng sambayanan.


Ganoon din ang depensa.


Hindi rin dapat umasa lamang sa technicalities, legal maneuvering, o sa pagbaluktot ng interpretasyon ng batas kung ang layunin ay iligtas lamang ang kanilang kliyente. Ang depensa ay may tungkuling protektahan ang constitutional rights ng kanilang kliyente, ngunit may pananagutan din silang maging tapat sa katotohanan.


Because impeachment is not simply about one person.


Hindi lamang si Vice President Sara Duterte ang pinag-uusapan. Kasama rin dito ang tiwalang ipinagkaloob ng milyun-milyong Pilipino sa pamamagitan ng halalan. Ang tanong ay hindi lamang kung may sapat bang ebidensya. Ang tanong din ay kung nararapat bang bawiin ng sambayanan ang mandatong kanilang ipinagkaloob.


That is what makes impeachment fundamentally political.


Hindi “political” sa kahulugang pamumulitika lamang, kundi political dahil ang pinag-uusapan ay ang relasyon ng taumbayan, ng Konstitusyon, at ng pinakamataas na opisyal ng Republika.


Kaya sa aking pananaw, may mas mataas na obligasyon ang lahat ng kalahok sa impeachment.

Hindi lamang manalo.

Hindi lamang ipagtanggol ang kanilang panig.

Kundi tiyaking ang katotohanan ang mananaig.

The prosecution should advocate their case with integrity.

The defense should protect their client with integrity.

And the Senate, sitting as an impeachment court, should decide with integrity.

Because the highest interest in an impeachment proceeding is neither the prosecution nor the defense.


It is the Republic of the Philippines.


Marahil, ito ang aral na gusto kong ibahagi.


Huwag nating pagtawanan agad ang isang ideya dahil lamang sa taong nagsabi nito. Minsan, ang unang reaksyon natin ay emosyon. Ngunit kapag pinag-aralan natin ang isang usapin nang mas malalim, makikita nating may mga argumento na hindi pala ganoon kasimple.


Hindi ko sinasabing tama si Robin Padilla sa bawat salitang kanyang binitiwan.

Hindi ko rin sinasabing mali ang lahat ng tumutol sa kanya.


Ang sinasabi ko lamang ay maaaring ang tunay na mensahe ay hindi “huwag maging advocate ang prosecution,” kundi huwag hayaang matalo ng politika ang katotohanan at ang pambansang interes.


Sa huli, hindi ang prosecution ang dapat manalo.

Hindi rin ang defense.


Ang tunay na dapat manaig ay ang katotohanan, ang Konstitusyon, ang pambansang interes, at ang tiwala ng sambayanang Pilipino.


Kapag iyon ang nanalo, panalo rin ang ating demokrasya.

_____________________________________________________________

Dear Reader,

I invite you to explore my complete collection of published books now available on Amazon. Whether you are seeking in-depth analysis, strategic insights, or engaging narratives, my catalog covers a range of essential topics designed to inform, inspire, and provoke thoughtful discussion.

You can browse all my current titles, read excerpts, and order your copies directly through my official Amazon Author Page: 

Click this Image to View:





Thank you for your continued support and interest in my work. If you enjoy any of the titles, leaving a review on Amazon would be greatly appreciated as it helps bring these ideas to a broader audience.

Warm regards,

Dr. Rodolfo John Ortiz Teope

___________________________________________________________________________________________________

*About the author:

Dr. Rodolfo “John” Ortiz Teope is a distinguished Filipino academic, public intellectual, and advocate for civic education and public safety, whose work spans local academies and international security circles. With a career rooted in teaching, research, policy, and public engagement, he bridges theory and practice by making meaningful contributions to academic discourse, civic education, and public policy. Dr. Teope is widely respected for his critical scholarship in education, management, economics, doctrine development, and public safety; his grassroots involvement in government and non-government organizations; his influential media presence promoting democratic values and civic consciousness; and his ethical leadership grounded in Filipino nationalism and public service. As a true public intellectual, he exemplifies how research, advocacy, governance, and education can work together in pursuit of the nation’s moral and civic mission.



Dr. Rodolfo John Ortiz Teope

Dr. Rodolfo John Ortiz Teope

Blog Archive

Search This Blog