*Dr. Rodolfo John Ortiz Teope, PhD, EdD, DM
In politics, we often view appointments as centered on the individual, specifically who was appointed, who was unlucky on the election, and who returned to serve the nation. But in public administration, the more critical question is not who was appointed, but rather what the value of that position will be to government governance.
Nang italaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Benhur Abalos bilang Cabinet Secretary, marami agad ang nagsabing isa lamang itong political comeback matapos ang kanyang hindi matagumpay na pagtakbo sa Senado. Quite valid ang pananaw na iyon. Ngunit para sa akin, mas malalim ang kahulugan ng appointment na ito. It is less about politics and more about governance with integrity.
As I see it, the position of Cabinet Secretary is, in many respects, even more strategic than heading a single department.
Ang isang department secretary ay nakatuon lamang sa kanyang sariling ahensya. May kanya-kanyang mandato ang DILG, DPWH, DA, DOTr, DENR, at iba pang departments. The Cabinet Secretary, however, has the opportunity to oversee the operational coordination of the entire Cabinet. Hindi siya limitado sa isang departamento lamang. Ang kanyang pananaw ay buong Executive Branch.
Sa madaling salita, kung ang bawat department secretary ay isang mahusay na musician, ang Cabinet Secretary ang tumutulong upang ang buong orchestra ay tumugtog bilang isang maayos at magkakaugnay na symphony.
Historically, ang Office of the Cabinet Secretary ay inalis nang ang mga tungkulin nito ay isinama sa Office of the Executive Secretary. Noon, may pananaw na maaaring magkaroon ng overlap ang dalawang opisina dahil pareho silang direktang tumutulong sa Pangulo.
Pero sa tingin ko, the circumstances today are very different.
Hindi dapat tingnan ang Executive Secretary at Cabinet Secretary bilang magkalaban ng kapangyarihan. Rather, they should function as complementary institutions within the Office of the President.
The Executive Secretary is primarily administrative in nature. Siya ang nangangasiwa sa presidential documents, executive issuances, legal clearances, at administrative operations ng Office of the President. Siya ang nagsisiguro na maayos ang takbo ng administrative machinery ng Malacañang.
The Cabinet Secretary, on the other hand, is more operational in nature. Ang kanyang pangunahing tungkulin ay tiyaking magkakaugnay ang lahat ng Cabinet departments, mabilis ang coordination, natatanggal ang bureaucratic bottlenecks, at ang mga direktiba ng Pangulo ay naipapatupad nang sabay-sabay at maayos sa buong Executive Branch.
Simply stated, one manages the President’s administrative machinery while the other synchronizes the government’s operational machinery.
Hindi sila nag-o-overlap.
They complement each other.
Sa aking pananaw, ito ang tunay na halaga ng pagbabalik ng Office of the Cabinet Secretary.
At napapanahon ang appointment na ito.
The Marcos administration is now facing not only governance challenges but also political challenges and what many observers describe as a battle of narratives. Sa panahon ngayon, hindi sapat na maganda lamang ang programa ng gobyerno. Kailangan ding maging maayos ang coordination, mabilis ang execution, at malinaw ang direksyon ng bawat ahensya.
Kapag kanya-kanya ang galaw ng mga departamento, nagkakaroon ng duplication, delays, conflicting policies, at minsan ay magkakasalungat pa ang mensaheng ipinapadala sa publiko.
Large governments rarely fail because they lack competent officials.
They often struggle because competent officials are not sufficiently coordinated.
Ito mismo ang puwang na maaaring punan ng Cabinet Secretary.
As I see it, Benhur Abalos can become the administration’s operational integrator; bringing together the different departments under one strategic direction. Maaari niyang pag-isahin ang operational roadmap ng administrasyon upang ang bawat ahensya ay hindi lamang mahusay sa sariling mandato kundi nagtutulungan tungo sa iisang layunin.
Habang papalapit ang 2028, lalong nagiging mahalaga ang coordination. The remaining years of the administration will define its legacy. Ang tanong ng kasaysayan ay hindi kung gaano karaming polisiya ang inilabas kundi kung gaano karami ang tunay na naipatupad.
Kung magiging matagumpay ang Cabinet Secretary sa pag-synchronize ng buong Executive Branch, maaari niyang dalhin ang administrasyon sa mas organisadong direksyon tungo sa pagsasakatuparan ng Bagong Pilipinas.
Ngunit higit pa rito, may isa pa akong nakikitang mahalagang aspeto ng appointment na ito.
It is a manifestation of statesmanship.
Sa panahon ngayon, napakainit ng pulitika. Malalim ang political divisions. Ang Marcos administration ay patuloy na hinaharap ang iba’t ibang political pressures habang nananatiling malakas ang political base ng mga kaalyado at supporters ni Vice President Sara Duterte. Sa ganitong sitwasyon, ang pagtanggap sa isa sa pinakamataas at pinaka-visible na posisyon sa administrasyon ay hindi simpleng career move.
It is a decision that comes with enormous political risks.
Ang mas madaling gawin ay umiwas.
Mas madaling maging tahimik.
Mas madaling isipin ang sariling political future kaysa tumanggap ng isang posisyon na alam mong magiging sentro ng batikos at political attacks.
Yet Benhur Abalos accepted the responsibility.
Para sa akin, ito ang nagpapakita ng love for country over political convenience.
Hindi ko sinasabing mawawala ang mga kritisismo laban sa kanya. Sa katunayan, maaaring lalo pa siyang maging target ng mga political opponents. Ngunit tinanggap pa rin niya ang tungkulin.
To me, that reflects statesmanship.
Politics often asks,
“Will this help my political survival?”
Statesmanship asks,
“Will this help my country?”
Sa aking pananaw, pinili ni Benhur Abalos ang mas mahirap na landas. Instead of stepping away from government after the elections, he chose to continue serving in one of the most demanding positions in the Executive Branch.
Hindi ito posisyon para sumikat.
Hindi rin ito posisyon para sa personal na political gain.
This is a position designed to make government work.
Kung magiging matagumpay siya, hindi lamang ang Pangulo ang makikinabang kundi ang buong bureaucracy at, higit sa lahat, ang sambayanang Pilipino.
Of course, appointments should never be judged by intentions alone.
History will judge this appointment based on results.
Magiging mas maayos ba ang coordination ng gobyerno?
Bibilis ba ang implementasyon ng mga programa?
Magiging mas organisado ba ang Executive Branch?
Mas mararamdaman ba ng ordinaryong Pilipino ang serbisyo ng pamahalaan?
Iyan ang tunay na sukatan.
Sa konsepto ng Integritocracy na matagal ko nang isinusulong, ang tunay na lider ay hindi lamang mahusay magplano. Marunong siyang mag-organize, mag-coordinate, magbigay ng direksyon, at higit sa lahat, maghatid ng resulta.
If Benhur Abalos succeeds in creating harmony among Cabinet departments, strengthening operational coordination, organizing the administration’s strategic roadmap, and helping realize the vision of Bagong Pilipinas, then this appointment may eventually be remembered not merely as the return of one public official, but as one of the most significant institutional decisions of the Marcos administration.
History does not remember appointments.
History remembers results.
At sa huli, iyon ang magiging tunay na hamon kay Benhur Abalos—hindi ang pagharap sa politika, kundi ang paghahatid ng konkretong resulta para sa bayan.
#DJOT
*****************************************
_______________________________________
Dear friends,
*About the author:

