*Dr. Rodolfo John Ortiz Teope, PhD, EdD, DM
When the last rallyist quietly went home, the barricades were finally removed, and the traffic along EDSA slowly began to move again, many Filipinos breathed a sigh of relief. Employees finally reached their offices. Students returned to their classrooms. Businesses resumed their daily routine. The roads that had stood still for hours once again came alive.
For many, that was simply the end of another rally.
But for me, that was the beginning of a much deeper reflection.
As I watched the vehicles move once again, I found myself asking a question that went far beyond the traffic and beyond the rally itself.
Was the traffic really the story? Or was it merely a symbol of something much bigger that our nation must confront?
I am not a member of the Iglesia ni Cristo. Hindi ko isinusulat ang artikulong ito para ipagtanggol o batikusin ang INC. Hindi rin ito pagsusulat para sa administrasyon o para sa oposisyon. Isinusulat ko ito bilang isang Filipino, bilang isang researcher, at bilang isang estudyante ng governance, intelligence analysis, public leadership, at ng matagal ko nang isinusulong na prinsipyo ng Integritocracy—the restoration of democracy through integrity, character, accountability, and public trust.
Sa aking pananaw, ang nangyaring INC Mass Action ay hindi dapat alalahanin lamang dahil sa trapikong idinulot nito. Dapat natin itong balikan dahil sa mga tanong na iniwan nito sa ating demokrasya.
Sa isang demokratikong bansa, may mga pagkakataong hindi komportable ang kalayaan. Freedom of speech is sometimes inconvenient. Freedom of peaceful assembly sometimes disrupts ordinary life. Freedom to criticize government may create discomfort for those in power and even for ordinary citizens who simply want to go to work peacefully.
Hindi natin maikakaila na maraming commuters ang naperwisyo. Maraming empleyado ang na-late. May mga estudyanteng nahirapang pumasok. May mga negosyong naapektuhan. Ang mga reklamong iyon ay totoo at nararapat lamang na kilalanin. Hindi dapat maliitin ang hirap na kanilang naranasan.
Pero habang kinikilala natin ang kanilang naranasan, dapat din nating tanungin ang ating sarili.
Ano ba ang mas malaking perwisyo?
Ang ilang oras na trapiko?
O ang maraming taong korapsyon na nagpapahinto sa pag-unlad ng ating bansa?
Traffic delays people for a few hours.
Corruption delays a nation for generations.
Traffic wastes time.
Corruption wastes opportunities.
Traffic causes inconvenience.
Corruption destroys public trust, weakens institutions, and in some cases, even costs human lives.
Kapag ang pondong inilaan para sa flood control, edukasyon, kalusugan, o iba pang serbisyong pampubliko ay nawawala dahil sa katiwalian, hindi lamang pera ang nawawala. Nawawala ang pagkakataong magkaroon ng mas ligtas na komunidad. Nawawala ang pagkakataong magkaroon ng mas magandang kinabukasan. At kung minsan, nawawala pa ang buhay ng ating mga kababayan.
Sa ganitong pananaw ko nakita ang nangyari sa EDSA.
The temporary standstill of traffic became a powerful metaphor.
Kapag hindi natin napigilan ang korapsyon, ang maaaring huminto ay hindi lamang ang trapiko.
Maaaring huminto ang mismong pag-usad ng ating bayan.
Iyan marahil ang pinakamalalim na aral na iniwan ng pangyayaring ito.
Ang opisyal na mensahe ng Iglesia ni Cristo ay tungkol sa accountability, good government, transparency, at sa kanilang paniniwalang may mga pagkakataong hindi pantay ang pagpapatupad ng hustisya. Whether one agrees or disagrees with their position, one fact remains: they exercised their constitutional right to peacefully assemble and to express what they believed should be heard by the government.
Sa isang demokrasya, hindi kailangang sang-ayunan natin ang bawat rally upang igalang ang karapatan nitong maganap. Ang tunay na pagsubok ng demokrasya ay hindi kapag pare-pareho ang ating opinyon. Nasusukat ito kapag may mga taong may ibang pananaw ngunit pinipili pa ring ipahayag iyon sa mapayapang paraan sa ilalim ng ating Saligang Batas.
Gayunpaman, habang nagpapatuloy ang rally, napansin kong unti-unti ring nagbago ang direksiyon ng public conversation.
Dito nagsimula ang tinatawag kong battle of narratives.
Habang malinaw ang opisyal na mensahe ng Iglesia ni Cristo, may iba namang indibidwal at grupo na tila sumabay sa lakas ng momentum ng rally upang isulong ang kani-kanilang layunin. Sa social media, sa mga panayam, at sa iba’t ibang talakayan, lumitaw ang sari-saring interpretasyon ng nangyayari.
May mga nagsasabing ang rally ay isa lamang panawagan para sa accountability.
May mga nagsabing ito ay laban sa selective justice.
May mga nagsabing may kaugnayan ito sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
At mayroon ding mga pahayag mula sa ilang participants at supporters na nagsasabing hindi sila aalis hangga’t hindi bumababa sa puwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., samantalang ang iba ay nagpahayag ng mas malawak na panawagan para sa pagbabago ng kasalukuyang pamahalaan.
Kung mayroon mang mga ganoong panawagan, mahalagang maging maingat tayo sa ating pagsusuri. Hindi awtomatikong nangangahulugan na ang lahat ng dumalo o ang mismong organizers ay may iisang layunin o iisang pananaw. Sa malalaking people’s movements, madalas na may iba’t ibang sektor na nakikisabay at may kani-kaniyang interpretasyon sa iisang pangyayari.
Sa aking pagsusuri, ito ang isa sa pinakamalaking hamon ng anumang malawakang people’s movement.
Kapag napakaraming tao ang nakikisabay sa iisang pagkilos, may panganib na ang orihinal na mensahe ng organizers ay matabunan ng mga mensaheng hindi naman nila opisyal na ipinahayag.
Ito rin ang nakita kong nangyari rito.
May ilang political personalities na tila nakinabang sa atensyong nalikha ng rally. Para sa ilang observers, naging entablado rin ito ng ilang pulitiko upang mapalakas ang kanilang political visibility at maipuwesto ang kanilang sarili sa gitna ng isang napakalaking pagtitipon. Dahil dito, para sa ilang ordinaryong mamamayan, ang usapin ay hindi na lamang tungkol sa accountability at good governance. Naging usapin na rin ito ng mga personalidad, ng impeachment, at ng iba’t ibang political interests.
Nakakalungkot ito.
Sapagkat sa aking pananaw bilang analyst base sa ingay ng panawagan ng accountability sa Flood Control at iba pa ay may mga mamamayan na handang makisimpatya sa mensahe ng Iglesia ni Cristo ngunit ag-atubiling makiisa nang makita nilang ang ilang personalidad ay tila ginagamit ang rally bilang sariling political stage. Kapag nangyari ito, ang tunay na mensahe ng organizers ay maaaring matabunan ng ingay ng politika.
At iyan ang isa sa pinakamahalagang aral ng pangyayaring ito.
Kapag ang prinsipyo ay napalitan ng personalidad, humihina ang mensahe.
Kapag ang accountability ay napalitan ng political ambition, nahahati ang suporta ng publiko.
At kapag ang people’s movement ay naging larangan ng iba’t ibang pansariling interes, nawawala ang kalinawan ng layuning nais nitong iparating.
Subalit sa kabila ng lahat ng ito, nananatili pa rin ang isang mahalagang tanong.
Paano natin mapapanatili ang accountability nang hindi nagiging bihag ng politika?
Diyan nagsisimula ang mas mahirap na usapan.
The discussion became even more intense when the name of Senator Marcoleta entered the public conversation. For some people, it reinforced their belief that there was selective justice. For others, it was simply a legal case that should proceed independently of the political issues surrounding it. Since it happened at the height of the impeachment proceedings against Vice President Sara Duterte, hindi na rin nakapagtataka na maraming Pilipino ang nagkaroon ng iba’t ibang interpretasyon sa nangyayari.
In my analysis, the bigger issue was not merely the filing of the case itself. Ang mas malaking usapin ay ang timing. Sa panahon na sobrang polarized ang ating politika, halos bawat legal action ay agad nabibigyan ng political meaning. Marami ang tumitingin dito bilang bahagi ng mas malaking political battle, habang ang iba naman ay naniniwalang dapat itong tingnan batay lamang sa legal merits at sa ebidensyang ihaharap sa korte.
Regardless of how people view the timing, one democratic principle should never change.
Justice should never be delayed because of politics.
Hindi dapat huminto ang proseso ng batas dahil lamang sa maingay ang political environment o dahil ang taong sangkot ay isang kilalang public official. At the same time, the law should never be used merely as a political weapon. Ang tunay na Rule of Law ay umiiral lamang kapag ang batas ay pantay na ipinapatupad at ang due process ay pantay na ipinagkakaloob sa lahat.
Senator Marcoleta is not only a Senator; he is also a lawyer. Bilang isang abogado, alam niyang ang Rule of Law ang pundasyon ng ating demokrasya. He understands that allegations are not resolved through social media, political speeches, or public rallies. They are resolved through evidence, due process, and the courts.
Kung may sapat na legal basis ang anumang kasong isinampa laban sa kanya, then the proper response is to face the legal process with confidence and allow the justice system to do its work. Ang batas ay batas. Hindi ito dapat tumigil dahil lamang sa impeachment, sa politika, o sa impluwensiya ng sinuman. A public official should never expect immunity simply because he occupies a powerful position.
This is exactly what accountability means. Kung hinihingi natin ang pananagutan ng isang opisyal ng gobyerno, dapat pareho rin ang ating pamantayan sa lahat. Whether they belong to the administration, the opposition, or any political movement, the same law must apply equally. Walang dapat maging above the law, ngunit wala ring dapat pagkaitan ng kanilang constitutional right to due process.
At the end of the day, the credibility of our democracy is measured not by how many cases are filed, nor by how many personalities are investigated. Ang tunay na sukatan ng isang matatag na demokrasya ay kung naniniwala ang taumbayan na ang hustisya ay patas, ang batas ay hindi ginagamit para sa political convenience, at ang bawat public official—anuman ang kanyang pangalan o posisyon—ay handang humarap sa proseso ng batas nang may pagpapakumbaba at paggalang sa ating mga institusyon.
Because in a true democracy, the law is the law, and accountability should never wait for politics to become convenient. That, for me, is one of the foundations of Integritocracy.
#DJOT
*****************************************
_______________________________________
Dear friends,
*About the author:

